57

By

Jo Koy nag-donate ng P2M sa PH film industry

Nagbigay ng tulong pinansiyal ang Filipino-American comedian na si Jo Koy sa Movie Workers Welfare Foundation, Inc. o Mowelfund.

Nasa $40,000 o P2 million ang pinagkaloob ni Jo Koy sa non-profit group na tumutulong para sa kapakanan ng mga manggagawa sa Philippine film industry.

Ginawa ni Jo Koy ang donasyon matapos siyang pagkalooban ng star sa Eastwood Walk of Fame.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?