222

Apr 10, 2020 @ 12:56
By

Jo Koy: Anong laman ng mga ‘tupperware’ ng Pinoy?

Sa isa na namang episode ng ‘Tagalog Thursday’ ng komedyanteng si Jo Koy, naging topic niya ang tungkol sa tupperware ng mga Pinoy.

Unang pinakita ni Jo Koy kung anong laman ng french onion dip na lagayan, na kapag binuksan ay asukal pala ang nasa loob.

Syempre’y hindi rin nakawala ang gamit na cooking oil na nilalagay sa ibang lagayan.

Nariyan din ang classic na sewing kit o gamit pangtahi sa lalagyan ng metal na cookie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?