358

Oct 29, 2018 @ 20:32
By

Jo Berry may bagong kaaway

Gabi-gabing tinutukan ng Kapuso viewers ang MaiLiver love team nina Mikee Quintos bilang Maila at Enrico Cuenca bilang Oliver sa well-loved GMA primetime series na Onanay.

Siguradong mas kikiligin ang kanilang mga fan dahil inamin ng Kapuso actor na mas nagiging malapit na sila ni Mikee sa kanilang pagsasama sa serye. Open din siya kung sakaling mag-bloom pa ang kanilang love team dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng fans.

Samantala, may bago namang kabanggaan si Onay (Jo Berry)! Nabunyag na ang lihim na relasyon nina Maila at Oliver matapos sumugod ni Imelda (Vaness del Moral) sa bahay nila Onay. Upang hindi masaktan ang kanyang ina, nakipaghiwalay na si Maila (Mikee) kay Oliver (Enrico).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?