1,129

By

JK Labajo mas bumata sa new look

“How to look 10 years younger.”

‘Yan ang post ni Juan Karlos Labajo (@jkufcofficial) nang maisipan nitong paputulan na ang kanyang mahabang buhok.

Kita nga naman sa kanyang photo na umaliwalas ang kanyang aura at bumata kagaya nang una siyang makilala ng mga fans sa “The Voice Kids”. Sa kanyang IG story ay kita sa sahig ang mga pinutol na niyang buhok.

Magmula nu’ng buuin niya ang kanyang banda ay nag-sport na ng long hair si JK bilang rock star nga ang datingan niya.

Ano nga kaya ang dahilan at bigla-biglang naisipan ng “Buwan” hitmaker na biglang magpatabas ng buhok? May pinagdaraanan kaya sila ng girlfriend na si Maureen Wroblewitz? Or baka naman naiirita na rin ang modelo sa kanyang long hair kaya pinaputulan na niya ito?

View this post on Instagram

Before and After

A post shared by Juan Karlos Labajo (@jkufcofficial) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?