156

By

Jjay Alejandro pasiklab kay textmate Kiefer

Ayaw makatanggap ni National U guard Jjay Alejandro ng text messages mula kay former King Eagle Kiefer Ravena.

Inamin ni graduating player Alejandro na nagte-text sa kanya si Ravena kapag hindi maganda ang kanyang laro kaya nagpakitang gilas ito kahapon sa 80th UAAP basketball sa Smart Araneta Coliseum.

Kumayod si Alejandro ng 17 points, nine assists at six rebounds para tulungan ang Bulldogs na sakmalin ang 87-84 panalo laban sa FEU.

“Kapag mababa ang iskor ko nagte-text si manong Kiefer (Ravena) sa akin kaya ginagawa ko lahat para maganda ang performance ko at matulungan ang team,” ani Alejandro.

Sa 5-8 karta, may tsansa pa ang Bulldogs na makahirit ng playoff sa No. 4 pero depende na lang sa resulta ng mga huling laban ng Tamaraws at UP.

Nasa fourth pa rin ang Tams (6-7), may isa pa silang laro.

Tumulong sa opensa ng NU si Issa Gaye na naglista ng 24 points at 11 rebounds, may 13 si Antonio Joson.

Kumayod ang Bulldogs ng 22-2 run para burahin ang 15-point lead ng Tamaraws at hawakan ang 86-81 bentahe wala ng tatlong minuto sa fourth quarter bago kumapit sa dulo. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?