1,558

By

Jiro Manio nanaksak, arestado sa Marikina

Dinampot ng mga awtoridad ang dating aktor na si Jiro Manio sa Marikina City, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, inatake umano ni Manio ang isang Zeus Doctolero dahilan para mauwi sa away.

Matapos nito ay bumunot umano ang dating child actor ng patalim at sinaksak ang biktima ng tatlong beses.

Depensa naman ni Manio, ang biktima raw ang unang nanghampas sa kanya ng helmet.

Arestado ang aktor na nakilala sa 2004 film na ‘Magnifico’ sa kasong frustrated homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?