1,988

Apr 7, 2020 @ 14:36
By

Jinggoy kay Zamora: ‘Wag mo ko subukan bagong salta ka lang!

Binanatan ni dating Senador Jinggoy Estrada si San Juan City Mayor Francis Zamora dahil sa pagharang umano ng programang ‘rolling store’ ng kanyang anak na si Janella Estrada.

Pinatamaan ni Estrada si Zamora dahil binabantaan daw nito ang mga market head at mga tindera sa palengke na huwag sumama sa tindahan ni Janella.

“Wag mo ko subukan, bagong salta ka pa lang dito,” banat ni Jinggoy sa alkalde sa kanyang Facebook video.

Aniya pa, hindi dapat pinipigilan ni Zamora ang mga residente ng San Juan na makapagtrabaho, at hindi rin dapat umano ito haluan ng pamumulitika.

“Gusto mo pakainin mo sila lahat. Kaya mo pakainin yung 120,000 dito? Kaya mo bigyan ng pera lahat ‘yan?” ayon kay Jinggoy

“Nandito nga kami tumutulong dapat magpasalamat ka pa nga eh,” giit pa nito.

Sa nasabing rolling store, kalahati lang umano ang magiging presyo ng paninda bilang tulong na rin sa mga residente ng San Juan.

Galit na galit si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada kay Mayor Francis Zamora matapos umano nitong pigilan ang kanyang pagtulong sa mga residente ng kinasasakupan nito
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?