905
Jimmy Bondoc sumisipsip kay Duterte – Lolito Go
By

Jimmy Bondoc sumisipsip kay Duterte – Lolito Go

Naglabas ng isang bukas na liham para sa singer na si Jimmy Bondoc ang isang journalist at kolumnista na si Lolito Go sa Facebook.

Dito tinawag niyang “sipsip” at “political cocksucker” si Bondoc.

Aniya, hindi naman umano nag-iisa si Bondoc dahil pareho rin ang diskarte nito kina Ben Tulfo, Teddyboy Locsin, Mocha Uson, Jay Sonza at Robin Padilla na sumisipsip sa Pangulo para makuha ang gusto.

Kaugnay ito ng paratang ni Bondoc sa isang TV Network na nakabase umano ang tagumpay sa politika at mga sexual favor maging ang kasabikan ng singer na magsara ang network.

Sinagot din nito ang pagsasalarawan sa TV Network na “snake pit” o maraming ahas sa loob ng istasyon.

Aniya, kahit saan naman umanong workspace ay merong ahas maging sa gabinete.

Sinabi rin nitong traydor si Bondoc dahil suportado nito ang rehimen na traydor.

Kinuwestiyon din ni Go ang pagsasabi ni Bondoc na nakabase ang tagumpay ng TV network sa politika at sexual favors.

Aniya, sino ba umano ang best example ng immorality sa bansa at paano umano nasisikmura ni Bondoc ang Pangulong ginagawang katatawanan ang panguluhan, oras-oras kung magmura, magsinungaling at maghikayat ng karahasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?