9,280

By

Jessica Soho ‘palaban’, ginisa si Imee Marcos

Naging mainit ang naganap na senatorial debate na isinagawa ng GMA network nang tadtarin ng tanong ng broadcast journalist na si Jessica Soho ang senatorial bet na si Imee Marcos tungkol sa diumano’y nakaw na yaman ng kanilang pamilya.

Unang kinompronta ni Soho si Marcos tungkol sa denial nito na hindi umano nagnakaw ang pamilya nito mula sa gobyerno at ang mga akusasyong ito ay hindi pa napatutunayan sa korte.

“Sinabi nyo na political accusations lang at hindi pa napatunayan sa korte ang mga paratang na ang inyong pamilya ay may ill-gotten wealth. Pero sa datos po ng PCGG or Presidential Commission on Good Government, mayroon na pong 170 billion plus na narecover mula sa inyong pamilya bilang ill-gotten wealth. Paano niyo po kukumbinsihin ang mga botante sa Mayo na hindi nga po yun illegal weath?” tanong ni Soho.

Agad na napawi ang ngiti ni Imee Marcos at sinagot ang tanong ni Soho.

“Napakadami pang kaso na pending sa iba’t-iba pong mga korte. Handa po kaming ipagtanggol ang aming pangalan. at alam po natin na iyong PCGG ay magpapatuloy pero ayaw ko pong magcomment dahil interesado po kami. Pero patuloy po naming ipagtatanggol at ipaglalaban, ebidensya sa ebidensya, dokumento sa dokumento, lahat ng mga paratang na ito,” saad ni Imee.

Hindi pa natapos doon ang init ng diskusyon dahil may follow-up question pa si Soho.

“Si Presidente Duterte po mismo ang nagsabi na kumausap po kayo sa kanya. kayo raw po mismo, para magsettle. Ibig sabihin nakahanda po ang inyong pamilya na magbalik maybe part o partial na wealth na described as ill-gotten. Paano po ninyo i-eexplain po ito,” tanong ni Soho.

Hindi naman naubusan ng sagot si Imee Marcos sa kabila ng tensyon.

“My family volunteered to President Duterte na makikipag-ugnayan at magco-cooperate kami sa pagbigay ng impormasyon, ano man ang pwede naming ibigay, ano man ang nalalaman namin, pati na rin ang mga papeles. Dahil alam namin na si duterte ay committed sa pagbabago at naniniwala kami sa agenda niya.”

Diumano ay huli rin sa camera ang naging reaksyon ni Bongbong Marcos na nakatingala umano sa kalangitan na tila nagdadasal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?