899
Jessa nanggalaiti sa basher na gustong ‘ipapatay’ si Jayda
By

Jessa nanggalaiti sa basher na gustong ‘ipapatay’ si Jayda

Hindi na nakapagtimpi si Jessa Zaragoza sa mga panlalait at pagmumura ng mga basher sa unica hija nila ni Dingdong Avanzado na si Jayda.

Sa kanyang Instagram ipinost ni Jessa ang screenshot ng naging usapan ng mga basher laban sa anak niya, kung saan may isa pang nagsabi na “kill that girl manggagaya”.

“Pinag-isipan ko muna ito ng ilang araw bago ko ito pinost. Di na nga lang sana, pero tuloy pa din kayo sa ginagawa nyo kay Jayda. Naisip ko, talagang sumobra sobra na kayo. Pinagpasensyahan na nga lang namin mag asawa yung mga kung ano anong pinapadala nyong direct msgs kay Jayda, below the belt na mga tira, pangungutya, ilang beses na din nakatanggap ng “P***ngina yung anak namin sainyo,” panimula ni Jessa.

Itinag din nito ang mga basher na involved sa “kill that girl” comment laban kay Jayda.

“GUSTO MONG MAMATAY ANG ANAK NAMIN? O GUSTO MONG IPAPATAY? Iha? Alam ba ng mga magulang mo ang mga pinag gagawa mong ganito?! Di ba gaGraduate ka na? Alam ba ng iyong paAralan na ganito ka mag salita? Tweet mo ito iha, tweet na sinend mo sa “Nag iisa naming anak” si JAYDA,” dagdag pa ni Jessa.

Badtrip din si Jessa dahil kailanman ay hindi nila minura si Jayda pero ang mga basher na tinukoy niya ay kung makamura sa anak nila’y akala mo sila ang nagpapakain dito.

“Kayo, wagas ang pagmumura nyo kay Jayda. Para bagang kayo ang nagpapakain sa anak namin. Ganun kalalakas ang luob nyong gumawa ng ganyan,” sabi pa ni Jessa.

View this post on Instagram

Pinag isipan ko muna ito ng ilang araw bago ko ito pinost.Di na nga lang sana,pero tuloy pa din kayo sa ginagawa nyo kay Jayda.Naisip ko,talagang sumobra sobra na kayo.Pinagpasensyahan na nga lang namin mag asawa yung mga kung ano anong pinapadala nyong direct msgs kay Jayda,below the belt na mga tira, pangungutya,ilang beses na din nakatanggap ng “P***ngina yung anak namin sainyo.Never namin minura ang anak namin.Pero kayo,wagas ang pagmumura nyo kay Jayda.Para bagang kayo ang nagpapakain sa anak namin.Ganun kalalakas ang luob nyong gumawa ng ganyan. I’d like to call your attention @iam_sandra08 (sa twitter,hindi sa IG) Itong tweet mo sa twitter sa account ng anak naming si @jayda, kausap mo ang kaibigan mo, si @nera22621829 .Mga iha, titigan nyo mabuti yung pictures na pinost ko. “Tweet” nyo yan sa anak namin,si jayda. @iam_sandra08 iha?sabi mo sa tweet “KILL THAT GIRL” . Tweet mo yan,although alam ko binura mo na.Ikaw ang nag tweet nyan. GUSTO MONG MAMATAY ANG ANAK NAMIN?O GUSTO MONG IPAPATAY? Iha? Alam ba ng mga magulang mo ang mga pinag gagawa mong ganito?! Di ba gaGraduate ka na? Alam ba ng iyong paAralan na ganito ka mag salita? Tweet mo ito iha, tweet na sinend mo sa “Nag iisa naming anak” si JAYDA. @iam_sandra08 Kayo ba ng iyong kaibigan na si @nera22621829,ay talagang wala ng kinatatakutan?kung di kayo takot sa mga magulang nyo, di na ba uso ang “DIYOS” sainyo??!! #Stopthiscyberbullying #notocyberbullying (SWIPE LEFT TO SEE ALL PICTURES)

A post shared by Jessa Zaragoza-Avanzado (@jessazaragoza) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?