53

By

Jersey sinunog, mukha ginutay! LeBron sinuka sa Hong Kong

Kung titingnan ang galit ng ilang taga-Hong Kong, iisipin na hindi na makakatungtong pa ng nasabing bansa si NBA superstar LeBron James.

Nasa 200 na Hong Konger ang naglabas ng inis kay James, sinabit ang mukha sa taas ng basketball rim at nang bagsakan ng bola ay naghiyawan ang mga tao.

Nagtipon din sa basketball court ang isang grupo kung saan binastos ang kanyang jersey, ang isa pa ay sinunog.

Nag-ugat ito matapos magkomento ng four-time NBA MVP na ‘misinformed’ umano si Houston Rockets general manager Daryl Morey sa pag-post nito ng pagsuporta sa Hong Kong.

Mas marami pa umano ang inaasahang mainis sa Los Angeles superstar, dahil tingin ng mga taga-Hong Kong ay nais lang ni LeBron na hindi matamaan ang China dahil sa laki ng perang pinapasok nito sa NBA..

“Students, they come out like every weekend. They’ve got tear gassed and then they got gun-shot, like every weekend. Police beating students and then innocent people, like every day. And then he (James) just comes up with something (like) that. We just can’t accept that,” ayon kay James Lo, isang web designer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?