81
jeron
Jun 6, 2018 @ 15:13

Jeron Teng nakalabas na ng ospital matapos masaksak sa BGC

Nagtamo ng malalalim na saksak sa katawan si Philippine Basketball Association player Jeron Teng nang masangkot sa away sa isang bar sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig noong Linggo.

Nakalabas na ito ng ospital ngayong araw.

Ayon sa tweet ng sports columnist na si Quinito Henson, isang saksak ang muntik nang tumama sa baga, puso at kidneys ni Teng.

Samantala, ginagamot pa sa ngayon si Thomas Torres na nagtamo naman ng hiwa sa kanyang arm muscle, ayon sa report ng “Unang Balita”.

Unang nakalabas ng ospital ang kasama ng dalawa sa insidente na si Norbert Torres noong Martes na nakadalo sa inquest proceedings sa piskalya sa Taguig City. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?