71

Feb 21, 2020 @ 22:34
By

Jericho Rosales nakiisa sa panawagan para sa ABS-CBN franchise renewal

“Ang ABS-CBN ay parte ng kultura.”

Ito ang sigaw ni Jericho Rosales sa harap ng mga nagtipon-tipon nitong Biyernes, Pebrero 21 sa labas ng ABS-CBN compound para suportahan ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Ang aktor ang nanguna sa ginanap na mass rally ng libo-libong empleyado ng ABS-CBN.

Nakiisa rin ang mga mamamahayag at press freedom advocate para sa #DefendPressFreedom at #NoToABSCBNShutdown.

Kabilang sa sumama sa prayer rally sina Star Magic Head Johnny Manahan, Shaina Magdayao, Nikki Valdez, Janus del Prado, Dominic Ochoa, Jayson Gainza at “Ang Probinsyano” leading man Coco Martin.

“Pogi points” naman sa mga netizen ang pahayag at naging paninindigan ni Jericho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?