50

By

Jeremy Go salang sa TOPS Usapang Sports

Bisita sa 15th Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa Huwebes si Jeremy Go ng Go For Gold Philippines sa National Press Club sa Intramuros.

Kilala si Go bilang godfather ng Go For Gold na tumutulong sa tagumpay ng mga Pinoy athlete.

Tatalakayin ni Go ang kanilang mga plano upang hasain pa ang mga Pinoy athlete sa chess, cycling, dragon boat, sepak takraw, skateboarding, triathlon at wrestling.

Makakasama ni Go sa forum si Asian Youth 18-under chess champion at newest Go For Gold member Marvin Miciano, na lalaban sa FIDE Asian Zone 3.3 championships sa Ulaanbaatar, Mongolia sa darating na Abril 6-16.

Bahagi rin sa talakayan sina boxing champion Michael Dasmariñas at Kenny Demicillo na lalaban sa ‘Rising Stars’ sa Marso 23 sa Resorts World Manila na kabibilangan din ni fighter Burn Soriano.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat na dumalo sa forum na magsisimula alas-10 ng umaga. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?