186

By

Jennylyn gaganap na Dr. Maxine sa PH version ng ‘Descendants of the Sun’

Nagdiwang ang mga fan ni Jennylyn Mercado matapos itong mapili para siyang gumanap sa role na Dr. Maxine dela Cruz sa Pinoy version ng sikat na K-Drama na “Descendants of the Sun”.

Sa kanyang Instagram post, ni-reveal ni Jen ang balita at excited na umano siyang maging bahagi ng hit Koreanovela.

First time umano niyang makakatrabaho si Dingdong Dantes, na gaganap naman sa lalaking bida na si “Big Boss” Capt. Lucas Manalo.

“Hi everyone. Minsan lang ako magpost about my projects and hindi ko mapigilan ang sarili ko. I am super happy to portray Dr. Maxine De La Cruz of Descendants of The Sun The Philippine Adaptation. When I heard they started taping already and preparing for the soap, ako din nacurious kung sino nga ang napili para sa role. When I learned that it was me, I was overwhelmed with gratitude for GMA’s trust and also pressured since I know how big this project is. I promise I would do everything to give justice to the role. I won’t let you all down. Pangako,” sabi ni Jen sa Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?