447
Jennylyn, Dennis nagpalitan ng matatamis na birthday greetings
By

Jennylyn, Dennis nagpalitan ng matatamis na birthday greetings

Hindi napigilan ng mga fan na kiligin sa palitan ng matatamis na birthday messages para sa isa’t isa ng magdyowang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kani-kanilang Instagram.

Nagdiwang ng kaarawan si Dennis noong Mayo 12 at may pabati rito si Jen.

“When I think of you, my heart goes [heart emojis] Happy birthday @dennistrillo,” bati ni Jen kay Dennis kalakip ang larawan ng boyfriend.

Samantala, ngayong May 15 naman ang birthday ni Jen kaya bumawi rin ng sweet birthday greetings sa kaniya si Dennis.

“Umulan, Bumagyo… Gumuho man ang mundo Ikaw at Ako pa rin. Happy Birthday Mahal ko,” sabi ni Dennis sa ipinost naman niyang larawan ni Jen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?