16

By

Jennifer Lopez inisnab sa 2020 Oscars

Hindi pumasok si Jennifer Lopez sa pinakauna niya sanang nominasyon sa 2020 Academy Awards, o mas kilala bilang Oscars.

Ang mga nominado sa Best Supporting Actress category ay sina Laura Dern (Marriage Story), Margot Robbie (Bombshell), Florence Pugh (Little Women), Kathy Bates (Richard Jewell) at Scarlett Johansson (Jojo Rabbit).

Maraming kritiko ang umasang kikilalanin ng award-giving body ang pagganap niya bilang stripper sa pelikulang “Hustlers,” gayong nasali siya sa parehong kategorya sa Screen Actors Guild Award, Golden Globe, at Critics’ Choice.

Bukod kay JLo, hindi rin napabilang sa nominasyon ng ika-92 Oscars sina Greta Gerwig (Little Women), Lulu Wang (The Farewell), Melina Matsoukas (Queen & Slim), at Marielle Heller (A Beautiful Day in the Neighborhood).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?