547
Jennifer Aniston nabuntis ni Brad Pitt?
By

Jennifer Aniston nabuntis ni Brad Pitt?

Umugong ang bali-balita na buntis si Jennifer Aniston at ang ama ay ang dati nitong asawa na si Brad Pitt.

Ito’y matapos mag-post ang Australian magazine New Idea ng mga larawan ni Aniston habang idini-display ang kanyang baby bump sa set ng upcoming Netflix movie “Murder Mystery”.

Nabuo umano ang laman ng sinapupunan ni Aniston nang mag-“honeymoon” trip to Paris siya kasama si Pitt.

Gusto umano ni Pitt na mapalapit muli sa kanyang ex-wife kaya nagplano rin ito ng trip to Mexico.

Sinabihan umano ni Pitt si Aniston na he “never gave up on us” at umaasa itong magkabalikan sila.

Matatandaang naging laman ng tsismis ang pagiging malapit muli ng dating mag-asawa nang mahiwalay si Pitt kay Angelina Jolie.

Samantala, itinanggi naman ng representative ni Aniston ang buntis isyu at sinabing gawa-gawa lang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?