288

By ,

Jema Galanza: Lady Falcons mandadagit

Mas magiging mahirap para sa Adamson University Lady Falcons ang darating na season ng UAAP women’s volleyball pero naniniwala ang dating ace player nito na si Jema Galanza na kaya nitong sumabay.

Sa panayam kay Galanza nitong nagdaang PVL All-Star Game kamakailan, sinabi nito na nakita niya kung paano lumaban ang Lady Falcons sa huling pre-season stint nito sa PVL Collegiate Conference.

“Kahit na wala naman kami lumalaban talaga eh and sayang muntikan na silang mag-Finals,” sabi ni Galanza.

“Siguro konting laban pa for Adamson Lady Falcons and leadership siyempre hindi mawawala. (At siyempre) makinig lang kay coach Air (Padda).”

Huling naglaro para sa Adamson si Galanza nitong nagdaang season at isa ito sa nanguna para sa tropa kasama si Mylene Paat at dito tinala ng tropa ang isa kanilang magandang finish sa torneo, bitbit ang 6-8 na record.

Naniniwala din si Galanza na kayang pangunahan at gabayan ng seniors ng Lady Falcons gaya nina Thang Ponce at Joy Darocon ang mga nakababatang miyembro nito.

“I think si (Thang) Ponce, ‘di lang sa madaldal siya at siya rin ang senior sa loob, pwedeng sa kanya at kay (Joy) Dacoron, last playing year niya. Dapat mapakita niya sa mga bata na willing siyang mapanalo ang every game at makapsok sa Finals,” pagtatapos ni Galanza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?