112

By

Jeepney modernization, masyadong ambisyoso – Poe

Tinawag ni Sen. Grace Poe na “ambisyoso” ang planong jeepney phaseout and modernization.

Ayon kay Poe, chairman ng Senate committee on public services, hindi basta mapapalitan ang 234,000 hanggang 274,000 na pampasaherong jeep na gusto ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Hindi rin umano kakayanin ng gobyerno na bigyan ng subsidiya ang lahat ng ng operator at driver na pahihintuin sa paggamit ng jeep.

Nasa P80,000 umano ang paunang puhunan na ibibigay ng gobyerno sa mga ito.

Hindi sasapat ang P2 bilyon lamang na inilalaan ng gobyerno na subsidiya.

Kapos din ito para sa mga operator at driver dahil ang gustong ipalit na pamsaherong jeepney na modern at malinis ang usok ay P1.6 milyon.

“Kahit pabayaran yan ng pitong taon sa mga operator o driver, napakabigat na halaga nyan,” diin ni Poe.

Dahil sa planong jeepney modernization, nagbanta ng transport strike ang grupong PISTON noong Disyembre 4 at 5 na inudlot dahil sa itinakda ni Poe na public hearing ukol sa kanilang mga hinaing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?