160

By

Jeepney driver, nadiskubreng nakabigti ng apo

Lawit ang dila at maputla na ang katawan ng nagbigting 50-anyos na jeepney driver nang matagpuan ng kaniyang apo sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Roldan Dapat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Rodolfo Gutierrez Aquino, tubong Nueva Ecija at residente ng Marcos Compound, Brgy. Pasong Tamo.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg. Anthony Tejerero ng CIDU-QCPD, nadiskubre ang nakabigting biktima alas-4:35 ng hapon (July 7) sa loob ng bahay nito ng kanyang apo na nakilalang si Charls Jhesryl Aquino.

Katatapos lamang umano ni Charls na maglaro sa labas ng kanilang bahay subalit pagpasok nito ay bumungad sa kaniya ang lolo na nakabigti sa kisame gamit ang electrical wire kaya nagtatakbo sa takot ang bata at isinumbong sa ina na si Charice Jimenez ang kaniyang nakita.

Mabilis namang humingi ng tulong si Jimenez sa kanilang mga kapitbahay at agad namang sumaklolo si Dave Regacho na siyang nagbaba sa nakabigting katawan ng biktima subalit wala na itong buhay.

Tumanggi namang paimbestigahan pa ng pamilya ang nasabing insidente dahil kumbinsido umano silang sadyang nagpakamatay ang nasabing jeepney driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?