199

By

Jeep sinubukang i-beat ang red light, sumalpok sa bus

12 ang sugatan sa naganap na banggaan ng pampasaherong jeep at isangbus sa bahagi ng Edsa at Timog Avenue sa Quezon City nitong Linggo, Pebrero 10 ng umaga.

Ayon sa report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isang Malanday bus ang involved sa naturang aksidente na naganap dakong 6:25 ng umaga.

Patawid sa Edsa ang jeep nang mabangga ito ng bus na bunsod ng pagtilapon nito.

Saad ng driver ng jeep, inabutan siya ng yellow light sa intersection samantala saad naman ng bus driver ay green na ang traffic light nang umusad siya at tamaan ang jeep.

Agad namang nirespondehan ng medical team ang mga nasaktang pasahero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?