117
robert-jaworski
By

Jaworski nakisaya sa Gins 40th anniv

Pinangunahan ni ‘Living Legend’ Robert ‘Sonny’ Jaworski, Sr. ang pagdiriwang ng 40th anniversary ng Ginebra San Miguel sa PBA kasabay ng paglulunsad ng 2019 Never Say Die Jersey Collection Huwebes sa Novotel Manila sa Araneta Center.

Binalikan din sa gabing iyon ang mga alaala at mga sandali na tumatak sa ‘Never Say Die’ spirit ng natatanging ‘Playing Coach’ at ng mga kilala pang Gin Kings sa nagdaang apat na dekada.

Bumida rin sa event sina former MVP Mark “The Spark” Caguioa at Jayjay “The Fast” Helterbrand, import Justin Brownlee at rising superstar Scottie Thompson.

Kasama sa pinakabagong NSD collection ang No. 7 jersey ni Robert Jaworski Sr., No. 13 ni Helterbrand, No. 47 ni Caguioa, No. 6 uniform ni Thompson at No. 32 ni Brownlee para sa ikatlong batch ng collectible jerseys ng Gin Kings.

Makokolekta ang mga limited edition jerseys kada anim na selyo ng Ginebra San Miguel o limang takip ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, Primera Light Brandy at Ginebra San Miguel Premium Gin para makuha ng isang jersey sa halagang P100 na mabibili sa mga supermarket o convenience store outlets sa bansa.

Available ang Ginebra San Miguel 2019 jersey collection hanggang Hunyo 30, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?