113

Jan 9, 2020 @ 9:13
By

Jawo nakihalubilo sa mga batang Tondo

Walang arteng nakihalubilo sa mga batang Tondo si PBA Legend Robert Jaworski at nakiisa sa gift-giving activity sa Better World community na handog na rin ng Ginebra San Miguel Inc., kasama ang marketing manager na si Ronal Molina at 30 pang empleyadong volunteer.

Mahigit 300 estudyante ang nakatanggap ng nasabing handog na naglalaman ng school supplies at iba pang regalo mula sa San Miguel Corporation.

Bonus naman sa mga batang basketbolista na makita ang lodi nilang 73-anyos na alamat ng Philippine basketball.

Matatandaang nagsagawa rin ng gift-giving act ang San Miguel sa mga pamilya ng Tenement Taguig at Gawad Kalinga San Roque community sa Pasig kung saan nakakuha sila ng regalo at extra Barangay Ginebra San Miguel basketball jersey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?