95

By

Javi, Juan de Liaño malabo na sa UP?

Hindi pa sigurado kung muling makasasalang ang magkapatid na sina Juan at Javi Gomez de Liano para sa University of the Philippines Fighting Maroons.

Ito’y matapos na mag-commit ang dalawa sa Mighty Sports team para sa 31st Dubai International Basketball Tournament.

“Excited to share that our Mighty Sports team together with Go for Gold and eMedsure are going to join the 31st Dubai Invitational Tournament in January. And we have both the Gomez De Liano brothers on our squad – @juan_swish9 and @javigdl22!,” saad sa tweet ni Mighty Sports head coach Charles Tiu.

Dati na ring naglaro si Juan sa Mighty Sports kung saan naging kakampi niya ang dalawang top player na sina Lamar Odom at Justin Brownlee.

Si Javi naman ay naglalaro para sa Nueva Ecija Rice Vanguards sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?