143

By

Japanese national natagpuang patay sa hotel

Isang Hapon ang nakitang wala nang buhay sa loob ng isang hotel room sa Barangay Tabunok, Talisay City sa Cebu.

Ayon sa inisyal na report, natagpuan si Minato Kazunari, 47, nitong Miyerkoles ng hapon (Pebrero 6).

Batay sa pulisya, tinawagan umano sila ng staff ng hotel hinggil sa isa nitong guest na walang malay dakong alas-12:33 ng hapon.

Kasalukuyan pa umanong inaalam ang sanhi ng pagkamatay ng banyaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?