151

By ,

Japan nagbigay-pugay kay Hachimura

Binati at nagbigay-pugay ang ilang basketball official, fans at media mula sa Japan sa pagkakapili kay Rui Hachimura sa 2019 NBA draft kamakailan sabay sabi na ito ang simula ng panibagong yugto sa sport sa Japan.

Si Hachimura ang kauna-unahang manlalaro mula sa Japan na napasama sa first round pick ng NBA draft, No. 9 overall pick ito sa Washington Wizards.

Isang malaking hakbang para sa Japan ang pagkakakuha kay Hachimura, ayon sa online edition ng Nikkansports.

Ang 6-foot-8 na forward ay naglaro sa Gonzaga at rumehistro ng 19.7 points per game at 6.5 rebounds noong nakaraang season ng NCAA at tinangahal din siyang West Coast Conference player of the year.

“The fact that Hachimura, a product of the Japanese basketball system, has been selected in the NBA draft makes us very proud,” ani Yuko Mitysuya ng Japan Basketball Federation.

Bukod kay Hachimura may ilang Japanese players din ang na-draft sa NBA gaya nina Yasutaka Okayama na 171st overall pick noong 1981, Yuta Tabuse noong 2004-05 ng Phoenix Suns at si Yuta Watanabe noong 2018-19 ng Memphis Grizzlies.

Para naman sa junior high school coach nito na si Joji Sakamoto, nakita na aniya ang potensiyal ni Hachimura noong naglalaro pa ito sa Toyoma Prefecture.

Ayon kay Wizards interim general manager Tommy Sheppard, focal point ng Japan national basketball team si Hachimura sa kampanya nito sa darating na Olympics.

“For Japan to qualify for the world championships, he’s the focal point. And when the [Tokyo] Olympics come in 2020, he’s going to be the focal point of that country on that basketball team,” wika ni Sheppard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?