2,017

By

Janno Gibbs nakasalubong si Willie, binigyan ng jacket

Kahit wala sa studio ay game pa rin sa pagbibigay ng jacket si Willie Revillame.

Kinuwento ng singer na si Janno Gibbs kung paano siya naambunan ng jacket ni Willie habang nagsa-shopping sa isang mall.

Bigla umano niyang nakasalubong si Willie, nagkwentuhan at nang magpaalam na ay biglang itinanong kung ano ang kanyang gusto.

Tumanggi si Janno ngunit mapilit si Willie, napasabi na lang ng “Bigyan ng jacket” na trademark ng host sa kanyang mga show.

“Bigyan ng Jacket Yan!” Nakasalubong ko si Willie Revillame while shopping. Nagkuwentuhan. Naggoodbye na ako. Binalikan nya ako. Tinanong ano daw gusto ko. Sabi ko wag na. Mapilit sya. Inutusan ang saleslady “Bigyan ng jacket yan!” ayon sa caption ni Janno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?