147

By

Janitor nag-propose sa cashier sa loob ng mall

Kinilig ang mga mamimili nang masaksihan ang marriage proposal ng isang janitor sa kanyang kasintahang carpark cashier sa isang mall sa Antipolo City ngayong Araw ng mga Puso.

Nangyari ang proposal sa loob ng SM City Masinag.

Sa Facebook post ng SM City Masinag, makikitang ipinalabas sa giant screen ang mga litrato ng magkasintahan.

Habang nakatalikod at pinapanood ito ni Janelle ay biglang sumulpot si Allan.

Naghiyawan ang mga nanonood sa nangyaring proposal nang lumuhod na si Allan at inalay ang singsing kay Janelle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?