104

Apr 2, 2020 @ 15:57
By

Janine pinagtanggol si Robredo: ‘Mamamayang tumutulong ipapatawag n’yo rin?’

Nag-react ang aktres na si Janine Gutierrez sa ulat na pinaiimbestigahan din sa National Bureau of Investigation ang mga hakbang ni Vice President Leni Robredo na “nakikipagkumpitensya” umano sa mga aksiyon ng gobyerno kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Kinuwestiyon ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Manuelito Luna ang libreng shuttle service, dorm para sa mga health worker at donasyon ng mga PPE ng Office of the Vice President.

Aniya, hindi raw dapat sinasapawan ni Robredo ang DOH, DSWD at NDRRMC sa gitna ng krisis sa coronavirus.

Giit naman ni Janine, kung mabilis umaksyon at nakatulong agad, ibig daw bang sabihin noon ay ginawa para makakompetensya ang gobyerno?

Baka pati aniya mga ordinaryong mamamayan na tumutulong sa COVID-19 relief efforts ay ipapatawag na rin ng gobyerno.

“How is this possible???? Kung mabilis umaksyon at nakatulong agad, ibig sabihin ginawa para maka-kompetensya ang gobyerno? OVP has raised more than 40 Million Pesos for COVID-19 relief efforts. So pati ba yung mga normal na mamamayang tumutulong ipapatawag niyo rin?” tweet ng aktres nitong April 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?