227

Feb 27, 2020 @ 10:42
By

Janine Gutierrez, Bela Padilla iniwan!

Wala talagang pinipili ang tadhana, dahil maging sina aktres Janine Gutierrez at Bela Padilla, naranasan ding maiwan.

Sa Twitter, Pebrero 26, 2020, sinalaysay ni Janine kung paano siya iniwanan ng kanyang driver, na akala’y nakasakay na siya sa kotse.

“I went to my car to put my phone inside & get my wallet. Closed the door and walked to the atm across the street. Pagbalik ko wala na kotse ko, iniwan na ko,” lahad ng Kapuso star.

“Akala pala ni kuya nakasakay na ko. Umabot na po siyang Mandaluyong galing Makati ano po,” sey pa nito.

Naloka at natawa rin ang papa niya nang ikwento ang nangyari.

Naka-relate naman si Bela at ang komento niya: “This has actually happened to me hahahha”

Kanya-kanyang tawa o hugot din ang mga netizen sa karanasan ni Janine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?