66

May 23, 2020 @ 11:25
By

James Yap curious sa ‘laki’ ng kay Jordan

Sa ‘The Last Dance’ documentary ay nabunyag ang karamihan ng misteryo sa likod ni Michael Jordan, ngunit may isa pang gustong malaman si PBA star James Yap.

Sa Inquirer column ni Dolly Anne Carvajal nitong Sabado, kanyang naintriga si Yap kung ano ang itatanong ng two-time PBA MVP kapag nakasalamuha niya ang NBA GOAT.

Simple lang naman ang gustong malaman ni Yap – ito ay kung gaano kalaki umano ang kamay ni MJ.

“‘MJ, how big are your hands?’ We are both known for having big hands. It’s a plus factor in basketball. I will place my hand over MJ’s hand to find out the measurement. Just to satisfy my curiosity,” sey ng Rain or Shine star.

Si Yap ang marahil may pinakamalaking kamay sa PBA, kung saan inamin nito sa mga dating interview na naging susi ang kanyang naglalakihang kamay para magawa niya ang ilang shot sa PBA kaya’t tinaguriang ‘Man with a Million Moves’.

Bukod pa dito ay naging curious din si James kung gaano pa sumikat si Jordan kung naabutan nito ang pag-usbong ng social media.

“While watching TLD, I asked myself, what if there was already social media back then? Who would be more popular, MJ or the so-called “bad boy” of Chicago Bulls, Dennis Rodman? I’m tempted to try smoking a cigar after each game just like MJ did. Just to get the feel of it,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?