249

By

James Reid nag-post ng photo kasama si Nadine

Sa unang pagkakataon matapos pumutok ang balita na break na sila, nag-post ng larawan si James Reid kasama si Nadine Lustre.

Noong Enero 5 magkasamang inakyat nina Nadine at James ang Mt. Ulap sa Itogon, Benguet kasama ang iba pang malalapit na kaibigan.

May dalawa pang litrato sa post ni James kung saan may kasama naman siyang mga lalaki.

Nilagyan niya ito ng makahulugang caption na: “I’ve come to understand that what we’re looking for is found in the absence of searching. And the answer found in the absence of questions. If you know what I mean, it’s time to tune in. If you don’t… then aren’t you lucky. So this is me, tuning in.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?