154

By

James Reid, dream come true na makatrabaho si Sarah Geronimo

Aminado ang tisoy na actor na si James Reid na dream come true sa kanya na makatrabaho ang Pop Superstar na si Sarah Geronimo sa pelikulang Miss Granny na tinatampukan din ni Xian Lim.

Pahayag ni James, “For me, a lot of my dreams have been coming true, I feel really blessed and I’m so grateful to boss Vic (del Rosario of Viva Films) for making everything happened.

“It’s a fun movie so the set is very fun. Direk Joyce is very cool… The scenes are very light and fun.”

Sinabi rin ni James ang paghanga kay Sarah.

Aniya, “It’s incredible to be next to Popstar Princess on the stage and dito naman sa movie, it’s different kind of performance. She’s a great actress. She can pull off any role, she can plays very well.”

Paano siya naka-relate sa role niya sa pelikula?

Sagot ni James, “The genre is just different. I’m more on hip hop/RnB and he’s (character niya sa movie) more on rock.”

Ang pelikulang pinamahalaan ni Direk Joyce Bernal mula sa Viva Films ay showing na ngayon, August 22.

Susundan ng pelikula ang mahiwagang buhay ng 70-anyos na pensiyonadang si Fely (Nova Villa), na manunumbalik sa edad na 20 bilang Audrey (gagampanan ni Sarah) matapos mapadpad at magpakuha ng litrato sa isang photo studio.

Ito bale ang follow up movie ni James after ng critically acclaimed na Never Not Love You nila ni Nadine Lustre.

Nagpapasalamat naman si James na light comedy lang at hindi talaga kailangan ng mabibigat na eksena ang kanyang first movie na hindi niya kasama ang girlfriend.

Pagkatapos ng Miss Granny, back to music si James at sisimulan na rin niya ang pelikulang Pedro Penduko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?