20

By

James Dean ‘bibida’ sa Vietnam war drama

“Magbabalik-pelikula” ang Hollywood icon na si James Dean.

Kasama ang pumanaw na aktor sa cast ng isang Vietnam war drama tungkol sa military dogs, ayon sa Hollywood Reporter.

Nakakuha ng rights ang mga direktor na sina Anton Ernst at Tati Golykh para magamit ang image ng aktor mula sa kanyang pamilya.

Gagamit ng pre-existing film and photographs ang film-makers para makagawa ng “full body” Computer-Generated Imagery version ni Dean habang ibang aktor ang magboboses sa kanya sa adaptation ng Gareth Crocker’s novel na “Finding Jack”.

Namatay si Dean sa edad na 24 noong 1955 matapos madisgrasya ang sasakyan niyang Porsche Spyder sa California.

Tatlong major films ang pinagbidahan niya: “East of Eden,” “Rebel Without a Cause” at “Giant”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?