24

By

James-Davis tandem ng Lakers, walang talab kay Leonard

Hindi pa nakapaglaro si Paul George dahil sa injury, ngunit nangibabaw pa rin ang pwersa ni Kawhi Leonard at bagong bihis na Los Angeles Clippers kontra sa tandem nina LeBron James at Anthony Davis.

Wagi ang Clippers, 112-102, sa bisa ng 30 points, anim na rebounds at limang assists ng 2018 NBA Finals MVP, samantalang sumegunda naman off the bench si Lou Williams sa binanat na 21 points at pitong assists.

Samantala, naging impresibo din naman ang duo nina Davis at James. May 25 markers, 10 boards at limang dimes si AD, habang muntik sa triple-double si King James na may 18 points, nine rebounds at walong assists.

Isa sa mga naging problema ng Lakers ay ang bench scoring ng Clippers, sa starters ay tanging si Kawhi lamang ang nag-double scoring, habang 60 sa 19 ang lamang sa nasabing department ng Clippers.

Sa fourth quarter ay nagsusukatan pa ng lakas ang dalawa, 85-all, ngunit biglang umarangkada ang Clippers, 19-7, para itarak ang 104-92 na kalamangan.

Dahil sa Staples Center ginanap ang laro kahit ang decals ay para sa Clippers, matunog pa rin ang mga Lakers fan na sumisigaw ng ‘MVP’ ng mag-free throw si LeBron.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?