45

By

Jalen Green No. 1 sa ESPN Rankings

Angat muli sa No. 1 rank ng ESPN si Fil-Am shooting guard Jalen Green habang si Kai Sotto naman ay umakyat sa pang-68.

Ang 6-foot-5 Fil-Am guard na si Green ay kasalukuyang naglalaro para sa Prolific Prep sa Napa at isa si Jalen sa kinonsiderang best shooting guard ngayong 2020.

Pinay ang nanay ni Green kaya ito ay may dugong Pilipino at nagmana naman ito sa kanyang stepdad na si Marcus Green na magugunitaang nakalaro ang isang sikat na NBA Star na si DeShawn Stevenson noong naglalaro palang sila sa amateur league.

Si Kai Sotto naman na nagpapakahasa sa ‘The Skill Factory’ ay umangat rin ng ranggo mula 74 patungong 68.

Hindi man napabilang sa final roster ng Mighty Sports na sasabak sa 2020 Dubai International Basketball Championship ay nagkamit naman ito ng MVP award noong Martes matapos magtala ng average na 27 points, 10.6 rebounds, 3.0 assists at 4.3 blocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?