49
Jalalon pabida sa kababayan, Magnolia sinukbit ang 1st ‘W’
By

Jalalon pabida sa kababayan, Magnolia sinukbit ang 1st ‘W’

Binaon ng Magnolia Hotshots ang Meralco Bolts, 92-86, sa aksyon sa 2019 PBA Philippine Cup, Sabado ng gabi sa Cagayan de Oro.

Nanguna para sa Magnolia ang hometown pride na si Jio Jalalon na may 19 points, siyam na rebounds, apat na assists at isang steal, nakatuwang naman si Paul Lee na sumungkit ng 15 points at anim na rebounds.

Nagpakawala ng 19-9 run ang Magnolia sa unang anim na minute sa fourth canto, bumalikwas sa apat na puntos na kalamangan ng Meralco.

Kasama sa mga bumida ay sina Ian Sangalang na may 12 puntos at 16 rebounds, samantalang si Mark Barroca ay pumulot ng 11 puntos at apat na assists.

Nakuha ng Magnolia ang kanilang unang panalo sa apat na salang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?