107

Aug 13, 2018 @ 17:05
By

Jake na-intimidate kina Bea at Ms. Charo

AMINADO Is Jake Cuenca na intimidate siyang katrabaho si Bea Alonzo at si Ms. Charo Santos.

Sa pelikulang “Eerie” na pinagsamahan ng tatlo isang psycho ang role ni Jake.

Kahit naaalangan siya sa dalawang aktres na makatrabaho lalo na kay Ms. Charo, excited pa rin daw siyang mag-work dahil challenging ang kanyang role.

Maganda rin ang role ni Jake sa teleseryeng Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales.

Nanghihinayang ang actor na magtatapos na ang teleserye. Ngayon pa lang daw kasi sila nagkakapalagayang loob na magtrabaho ng actress.

Nag-post sa kanyang Instagram si Jake kung saad may nakasaad na nagka-crush siya kay Erich.

Aniya: “The challenge was to be bad to her when in reality you’re actually crushing on her so bad. It is definitely a pleasure to work with @erichgg thank you @dreamscapeph for making this happen. Don’t miss our finale week of @thebloodsistersabscbn.”

Kaya pala bago pumasok ang character ni Jake sa Blood Sisters ay nagpagupit siya ng hair. Nagpost din kasi noon ang actor sa social media na gusto ng kanyang leading-lady na new look siya kapag pumasok sa teleserye.

Sinunod naman ni Jake ang kagustuhan ng actress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?