3,383

By

‘JaDine nabuwag, Issa Pressman ahas!’

Nanggagalaiti ngayon ang publiko kay artist Issa Pressman matapos kumalat ang isang video ng umano’y paghahalikan nila ni James Reid sa isang party.

Ito, matapos kumpirmahin nina Nadine Lustre at James kagabi, Enero 20, 2020, sa “Tonight with Boy Abunda” na naghiwalay na nga sila.

Si Issa ay kapatid ng aktres at kaibigan ng JaDine na si Yassi.

Bagama’t hindi pa kumpirmado kung sila nga ang nakitang naghalikan sa video, “ahas” na ang turing ng ilang netizen sa British-Filipina model-actress.

Kinuyog na rin ang Australian-Filipino actor, na ngayo’y binansagang “cheater.”

Dismayado rin ang publiko sa mga kaibigan nina James at Nadine na umano’y kinunsinti ang pangangaliwa ng una.

Sa kanilang joint statement kagabi, sinabi nina Nadine at James na kaya sila naghiwalay ay upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga career at personal growth habang bata pa sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?