405

Mar 28, 2020 @ 16:34
By

Iza Calzado, positibo sa COVID-19

Matapos aminin kamakailan ni Christopher de Leon na positibo siya sa COVID-19, humihiling naman ng dasal ang talent manager ni Iza Calzado matapos ma-test na positibo ang aktres sa virus.

Sa kanyang Facebook post sinabi ni Noel Ferrer na natanggap ni Calzado ang resulta ng kanyang COVID test noong Marso 27.

Ginagamot na aniya ang aktres sa pneumonia at sa virus.

Nakakahinga rin ito nang walang tulong ng oxygen.

Muli siyang ite-test kung negatibo na siya habang ang kanyang mister na si Ben at iba pang nakasalamuha niya ay walang sintomas ng virus.

Hindi alam ni Calzado kung saan siya nahawa ng virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?