146

Apr 5, 2020 @ 18:35
By

Ivana Alawi naghirap, naranasang toyo ang ulam

Sa panayam ng ‘Magandang Buhay’ kay Ivana Alawi, kinuwento niya ang naging karanasan nito at kanyang pamilya bago naging YouTube sensation.

Natanong si Ivana kung anong nagtulak sa kanya para tumulong sa kapwa ngayong humaharap ang bansa sa coronavirus crisis.

“Parang nalungkot ako, sabi ko, hindi naman pwedeng puro enjoy lang ako dito tapos nakikita ko ‘yung ibang tao naghihirap,” sabi ng social media star.

“Akala kasi noong iba na hindi rin ako dumaan sa hirap, hindi rin ako dumaan sa mga times na wala kaming makain,” sabi pa ni Ivana.

Binahagi nga niya na minsang dumating sa point na toyo at kanin ang kanilang kinakain dahil walang mautangan ang kanyang ina.

Nagpapasalamat si Ivana na nadaan ang ganitong pagsubog bago narating ang kanyang kalagayan ngayon. Ito rin umano ang mas nagtulak sa kanya para ibahagi ang mga blessing na kanyang natatanggap ngayon.

Kamakailan nga ay pinakita ni Ivana ang naging paghahanda niya kasama ng pamilya para magbigay ng relief goods para sa mga apektado ng virus sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?