152

Feb 20, 2020 @ 16:55
By

Ivana Alawi: Hindi niyo ko mabibili!

Dedma si Ivana Alawi sa lahat ng indecent proposal na kanyang natatanggap.

Sa panayam kay Ivana sa story con para sa ‘Ang Lihim na Ligaya’, sinabi nito na kahit isang beses ay hindi niya naisip na magpabayad para sa panandaliang aliw ng ilang mga mayayaman.

“Actually ang dami sobra ngayon. Lalo na ngayon parang feeling nila na makukuha kasi I show skin. Pero dinededma ko sila. Minsan sinasabihan ko na, ‘No, you cannot buy me.’ Dinederecho ko,” ayon kay Ivana.

“Some people, from people I know, dumadaan sila d’on. Feeling nila, ‘Mayaman ako, makukuha ko lahat,’ pero you cannot buy everything with money,” aniya pa.

Bakit nga naman tatanggap ng indecent proposal eh may kaya ang pamilya nito na may business sa Morocco?

Paniguradong buhos na rin ang biyaya para kay Ivana na bukod sa kanyang acting career sa ABS-CBN, ay rumaraket din bilang Youtuber na mayroon nang 4.8 million subscriber.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?