40

Apr 1, 2020 @ 9:15
By

IU pinagtripan ang mga fan

Nakasabwat ni IU ang kanyang tatay sa April Fools’ Day prank.

Sa IU TV episode na “Fast and Furious,” sinabi ng South Korean singer-songwriter na ite-test drive niya ang binili niyang kotse, matapos aniyang makuha ang kanyang driver’s license.

Sa totoo, ang tatay niya ang nagda-drive at meron lang siyang ginamit na de-kabit na steering wheel habang nakapwesto sa passenger seat. Nagpalagay din ito ng nunal sa kabilang parte ng kanyang mukha dahil mapagmasid aniya ang kanyang 2.5 milyong YouTube subscribers.

Nalinlang man ay natuwa pa rin ang mga fan kay UI, este IU.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?