340

By

IU magko-concert sa Manila ngayong Disyebmre

Sa wakas: pupunta na sa Maynila ang South Korean singer-songwriter at aktres na si IU ngayong taon!

Gaganapin sa Disyembre 13 ang kanyang “Love, Poem” concert sa Araneta Coliseum.

Halatang excited ang mga fan o uaenas dahil Top 1 trending ngayon sa Twitter Philippines ang #IUinManila na may higit 1,900 tweets na ngayong 5:54 pm.

Nakilala si IU sa mga palabas na Dream High, Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo, My Mister, Persona at Hotel del Luna.

Ilan pa sa mga pupuntahan ni IU para sa Love, Poem concert tour ang Singapore, Kuala Lumpur, at Jakarta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?