253

By

‘It’s Showtime’ nag-alay ng dasal para kay Bentong

Naglaan ng kaunting oras para sa pagdarasal sa kaluluwa ng yumaong komedyante na si Bentong ang “It’s Showtime”.

Sa gitna ng “Tawag ng Tanghalan” umakyat sa stage si Amy Perez at malungkot na ibinalita ang pagpanaw ni Bentong, na Domingo Vusotros Brotamante Jr., ang tunay na pangalan.

Pumanaw si Bentong nitong Sabado ng umaga matapos umanong dalhin sa ospital dahil nahirapang huminga.

Namatay umano ito dahil sa komplikasyon sa diabetes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?