159
‘Wag ako! Duterte seryoso sa pagbabalik ng basura ng Canada
By

Isyu sa basura, walang epekto sa negosyo ng Pilipinas, Canada – DTI

Walang nakikitang epekto sa pagnenegosyo at kalakalan ang isyu ng basurang hindi pa nahahakot ng Canada.

Sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na hiwalay na isyu ang basura ng Canada sa business-to-business transaction ng Pilipinas pagdating sa trade and investment sa mga pribadong kompanya ng Canada.

Nakikita aniya ng Canadian company ang mga oportunidad sa bansa kaya magtutuloy-tuloy ito.

Binigyang-diin ni Lopez na hindi mga kompanya ng Canada ang kalaban ng gobyerno dahil hiwalay na usapin ang basurang itinapon sa bansa.

“‘Di po makakaapekto yun dahil hindi naman yung mga kumpanya ang kalaban natin dun. I think it’s a separate issue talaga,” ani Lopez.

Ayon pa sa kalihim, ang Canada ang ika-20 major trading partner ng Pilipinas mula sa 221 na mga bansa at ang kabuuang naipasok ng mga kompanya noong 2018 ay 1.34 billion pesos.

Hindi maganda ang timpla ng Ehekutibo sa gobyerno ng Canada dahil hindi nakatugon sa May 15 deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para hakutin pabalik sa kanilang bansa ang tone-toneladang basurang dinala sa bansa.

Pinapauwi na ng Pilipinas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Philippine Ambassador at Consul sa Canada dahil sa pagtugon sa May 15 deadline ng Pangulo para hakutin ang kanilang basura sa dinala sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?