108

Jan 27, 2019 @ 18:25
By

Isyu ng eleksyon sa Mayo, maaring matalakay sa pulong ng mga obispo

Nagpupulong ngayon ang mga myembro ng maimpluwensyang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa isang plenary assembly sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Father Marvin Mejia, secretary general ng CBCP, inaasahang kasama sa matatalakay ang isyu kaugnay ng mid-term elections sa May 13.

“(Possible topics) might be the elections, because you know the people, especially the Catholic faithful will ask for guidance,” saad ni Mejia.

Gayunman, wala umanong kasiguraduhan kung magpapalabas ang CBCP ng pastoral statement o panuntunan na gagabay sa mga botante.

“I don’t want to pre-empt because our situation now is different,” dagdag ni Mejia.

Ang plenary assembly na nagsimula kahapon ay tatagal hanggang bukas.

Ang pagpupulong ay pinangungunahan ni CBCP President Archbishop Romulo Valles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?