109

Feb 21, 2020 @ 19:47
By

Israel kinumpirma ang unang COVID-19 case

Naitala ang unang kaso ng coronavirus (COVID-19) sa Israel nitong Biyernes, Pebrero 21.

Sabi sa Times of Israel, isa sa 11 Israeli na nagbalik sa bansa matapos 14-araw na ma-quarantine sa Japanese cruise ship ang nagpositibo sa coronavirus.

Dinala ang mga pasaherong mula sa Japan sa remote area sa Ben Gurion Airport saka sila agad isinakay sa mga van para naman dalhin sa Sheba Medical Center.

Labing-apat na araw silang sinailalim sa quarantine pero isa sa mga pasahero ang nagpositibo sa virus.

Bago iuwi sa Israel, dumaan na sa test sa Japan ang 11 Israeli kung saan lahat naman sila ay nagnegatibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?