434

By

Isko pumayag! Mga street vendor balik na sa Divisoria

Para magkaroon pa rin ng kukunan ng pang-araw-araw, pinayagan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga dating pinaalis na street vendor sa Divisoria na muling magtinda sa lugar.

Ngunit may kondisyong hinihingi ang alkalde ng capital city ng bansa.

Sa report ng Inquirer, sinaad ni Moreno na hindi dapat sakupin ng mga vendor ang buong kalsada sa Divisoria, at kung sakaling mahuli ang mga ito na hindi na makadaan ang mga sasakyan ay gagawin umano niyang masalimuot ang kanilang mga Pasko.

Isa pang kondisyon ni Isko ay nasa 1 meter by 1 meter lamang ang space kada tindahan.

Ito ays a Divisoria, habang sa ibang lugar naman tulad ng Recto Avenue at Juan Luna Street ay hindi pa rin maaaring pamugaran ng mga street vendor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?